Inang Wika ni Amado Hernandez
Ako'y ikakasal, sa aming tahana'y masayang-masaya: may piging, tugtugan, awitan, sayawan.
Ang aking magiging kabiyak ng buhay ay isang binatang puti, jasa aborsi terpercaya binatang sibol sa kanluran: maganda't makisig, marunong, mayaman tila pulot-gata sa bibig ng isang mundong kaibigan.
Sa tanging sasakyan, nang kami'y lumulan, may natanaw ako sa tapat ng bahay na isang matandang babaing luhaan, waring tinatawag ang aking pangalan tila humihingi ng kaunting pagdamay; subalit sa gitna ng kaligayahan, siya ay hindi ko binati man lamang, siya ay hindi ko pinansin man lamang, habang ang sasakyan ay nagtutumulin hanggang sa simbahan.